Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Iloilo City, host ng 2016 National Finals

$
0
0

Optimistiko si Milo Sports Executive Andrew Neri na mas maraming kabataan ang madidiskubre at mabibigyan ng pagkakataong mahubog ang kanilang talento sa paglarga ng 40th National Milo Marathon Finals sa makasaysayang lungsod ng Iloilo.

“We decided to have the National Finals in Iloilo for the first time because of the insistence of their very good Mayor who happens to be a major supporter of running,” pahayag ni Neri.

“Kada Sabado at Linggo daw ay talagang mayroon daw sila doon na pakarera kaya gusto nilang maging running sports capital ang Iloilo,” aniya.

Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ang makulay na kasaysayan ng pinakamatagal na running event sa bansa na National Milo Marathon na tutuntong sa pinakaultimong kampeonato sa lungsod ng Iloilo sa Disyembre 4.

Inihayag sa publiko ang buong kalendaryo ng pinakaaabangang takbuhan gayundin ang iba pa nitong programa tulad ng Milo Little Olympics at ang Milo Summer Sports Clinics.

“Yes, we will stage it for the first time in a province particularly in Iloilo,” sabi ni Neri, na kung saan katatapos lamang nitong isagawa noong nakaraang Disyembre ang 39th National MILO Marathon Finals sa ikalawang pagkakataon sa Angeles City.

Matatandaan na nagsagawa ito noong 2015 ng kabuuang 18 yugto sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao bagaman mayroon lamang na kabuuang 14 na isasagawang karera ngayong 2016 na binubuo ng 13 elimination leg at panghuli ang National Finals.

Unang sisikad ang 40th National Milo Marathon sa Dagupan (17-Jul), Tarlac (24-Jul), Metro Manila (31-Jul), Batangas (7-Aug), Lucena (14-Aug), Naga (28-Aug), Tagbilaran (18-Sep), Cebu (25-Sep), Dumaguete (02-Oct), Davao (09-Oct), General Santos (16-Oct), Cagayan De Oro (23-Oct), (Butuan 30-Oct) at National Finals (4-Dec).

Ang 2016 MILO Summer Sports Clinics na nakatuon sa pagbibigay ng malusog na pagbabakasyon sa mga school children sa pagsali at pag-aaral ng iba’tibang laro ay magsisimula sa Abril 4 at matatapos sa Mayo 31.

Ang mga sports na itinuturo ay ang badminton, basketball, bowling, fencing, golf, gymnastics, volleyball, karatedo, ice skating, tennis, taekwondo, table tennis, touch rugby, triathlon, chess, football at swimming. (ANGIE OREDO)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384