Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Mag-utol, tiklo sa P300,000 shabu

$
0
0

GENERAL SANTOS CITY – Dinakip kahapon ng pulisya ang isang magkapatid na nag-o-operate umano ng isang drug ring sa siyudad na ito.

Sinabi ni GenSan City Police Chief Supt. Maximo Layugan na naaresto ang magkapatid na sina Bong Talib, 27; at Bea Pasandalan, 35, kapwa taga-Cotabato City, sa drug bust na inilunsad ng mga police intelligence operative, sa pangunguna ni Supt. Samuel Cadungon, sa bahay na nirerentahan ng mga ito sa Barangay Apopong.

Nasamsam ng awtoridad mula sa magkapatid ang nasa 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Ayon sa pulisya, tinangka ng mga suspek na itago ang mga ilegal na droga sa pamamagitan ng pagbabaon sa mga ito sa likod-bahay.

Sinabi ni Cadungon na inutusan nila ang mga suspek na hukayin ang ilegal na droga habang hinahalughog nila ang lugar.

Aniya, lumutang ang pangalan ng magkapatid sa tactical interrogation na isinagawa sa mga drug pusher na una nang naaresto ng pulisya sa lungsod. (Joseph Jubelag)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.