Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Pagdakip kay Indal, matinding dagok sa BIFF

$
0
0

DAVAO CITY – “Ang pagdakip kay Hassan Indal, alyas Abu Hazam, na isa sa mga pangunahing leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ay isang matinding dagok sa organisasyon.”

Ito ang kumpirmasyon ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry sa panayam ng may akda nitong Miyerkules.

Kinumpirma rin ni Misry na si Indal nga ang naaresto ng awtoridad nitong Miyerkules sa Barangay Kalanganan, Cotabato City.

“Si Hassan Indal po ‘yung nahuli sa Kalanganan,” sabi ni Misry.

Si Indal ang itinuturing na No. 4 man sa grupo, ayon sa matataas na opisyal ng militar na nakabase sa Maguindanao.

“Malaking kawalan sa BIFF ang pagkakahuli kay Hassan Indal,” ani Misry.

“Pero naniniwala kami na ito ay pagsubok lamang sa organisasyon. Magpapatuloy pa rin ang aming pakikipaglaban para sa mga Moro ng Mindanao” dagdag ni Misry.

Kasabay nito, tiniyak ni Misry na maglulunsad ng mas maraming pag-atake ang BIFF sa mga establisimyento ng gobyerno at militar sa lugar. (ALEXANDER D. LOPEZ)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.