Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

7-anyos na anak ng negosyante, yaya, dinukot sa CdeO

$
0
0

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek sa pagdukot sa isang pitong taong gulang na anak ng isang negosyante, kasama ang menor de edad din na yaya ng bata, sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, nitong Lunes ng umaga.

Sinabi ni Supt. Gervacio Balmaceda, Jr., tagapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), na may mga personalidad na silang iniimbestigahan na posibleng suspek sa pagdukot sa bata.

Umapela ang pulisya sa pamilya ng biktima na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon upang mapadali ang pagdakip sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, dinukot ang biktima at 16-anyos na yaya nito habang patungo ang dalawa sa paaralan, noong Lunes ng umaga.

Isa sa mga motibong tinitingnan ng pulisya sa pagdukot sa biktima ay may kinalaman sa negosyo ng pamilya nito.
(FER TABOY)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear