Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Ex-barangay chairman, nirapido ng riding-in-tandem

$
0
0

TARLAC CITY – Isang dating barangay chairman, na pinaniniwalaang matagal nang minamanmanan ng hinihinalang riding-in-tandem criminals, ang pinagbabaril habang minamaneho ang isang tricycle sa Tanco Street sa Barangay Capehan, Tarlac City.

Kinilala ni PO3 Gerald dela Vega ang niratrat at napatay na si Carlito Ignacio, 58, may asawa, residente ng nasabing barangay, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bumabagtas noon sa Tanco Street ang tricycle (CC-54710) na minamaneho ni Ignacio nang tambangan siya ng dalawang armado at walang awang pinagbabaril.

Lumitaw sa follow-up investigation ng pulisya na si Ignacio ay akusado sa paglabag sa election gun ban, threat, at oral defamation. (Leandro Alborote)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.