Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all 21384 articles
Browse latest View live

Driver natuluyan sa ikatlong suicide try

$
0
0
Nasawi ang isang 50-anyos na tricycle driver sa umano’y ikatlong beses niyang pagtatangka sa sariling buhay matapos siyang magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sibul, Talavera, Nueva Ecija.

2 kelot laglag sa buy-bust

$
0
0
Dinakma ang dalawang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Parañaque City Police, nitong Miyerkules ng gabi.

3 magkakamag-anak minasaker

$
0
0
Minasaker ang tatlong magkakamag-anak sa loob mismo ng kanilang tahanan ng apat na lalaking pawang nakasuot ng bonnet sa Barangay Malamig, Mandaluyong City kamakalawa.

Mag-utol timbog sa granada, shabu

$
0
0
Kalaboso ang isang magkapatid nang makuhanan ng granada, shabu at mga drug paraphernalia sa One Time, Big Time operation sa Barangay San Miguel, sa Pasig City kamakalawa.

MAKATARUNGANG LAKAS

$
0
0
SA ikalimang anibersaryo ng desisyon ng Korte Suprema na inilabas noong ika-24 ng Abril, 2012, pinasok ng mga magsasakang kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang natitira sa mahigit 6,000 ektarya ng Hacienda Luisita sa Tarlac.

3 sugatan sa sunog sa Makati

$
0
0
Pitong pamilya ang nawalan ng tirahan habang tatlong katao ang bahagyang nasugatan, kabilang isang bumbero, sa sunog sa isang residential area sa Makati City, bago magtanghali kahapon.

Nambugbog, nanaksak ng GRO ibinulagta

$
0
0
Dead on the spot ang isang lalaki na sinasabing nanakit at sumaksak guest relation officer (GRO) matapos barilin ng rumespondeng pulis sa isang hotel sa Pasay City, nitong Huwebes ng hapon.

Chinese kulong sa P200 sandals

$
0
0
Arestado ang isang Chinese na umano’y nagnakaw ng isang pares ng sandals, na nagkakahalaga ng P200, sa isang supermarket sa Quezon City.

ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG

$
0
0
MARAMI at may iba’t ibang kahulugan ang pag-ibig. Sa lyrics ng isang awiting Pilipino ng dating Hari ng Kundiman na si Ruben Tagalog ay ganito ang isinasaad: “Oh, pag-ibig na makapangyarihan’ kapag pumasok sa puso ninuman,/ hahamakin ang lahat/ masunod ka lamang/ alang-alang sa minamahal.”

Bihag na pulis, pinalaya na ng NPA

$
0
0
Makalipas ang dalawang buwan at 18 araw na pagkakabihag sa Bukidnon, pinalaya na ng New People’s Army (NPA) nitong Huwebes si PO2 Antony P. Natividad sa Sosyalon area sa Barangay Dominorog, Talakag, Bukidnon, iniulat kahapon ng Police Regional Office (PRO)-10.

Kinuyog ng bubuyog, patay

$
0
0
Nasawi ang isang lalaki na mangongolekta sana ng bubuyog, na tinatawag ding “abal-abal”, sa Mount Mabilag sa Barangay Manalpac, Solsona, Ilocos Norte.

Police sergeant arestado sa baril, droga

$
0
0
Nakorner ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1, Asingan Police at iba pang law enforcement agency ang isang aktibong miyembro ng Natividad Police matapos na makuhanan ng hinihinalang ilegal na droga at mga baril sa Barangay Macalong sa Asingan, Pangasinan.

7 dinakma sa ‘drug den’

$
0
0
Arestado ang pitong katao na pawang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang sinasabing may-ari ng drug den, sa anti-narcotics operation ng Quezon City Police District (QCPD), kamakalawa ng hapon.

CHR kinuwestiyon ni Dela Rosa sa ‘secret cell’

$
0
0
Personal na nagtungo si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Manila Police District Office-Station 1 (MPDO-S1) upang kapanayamin ang mga bilanggong natuklasan sa “secret lock-up cell.”

Kinatay sa hindi pagbayad ng shabu

$
0
0
Malalalim na saksak sa katawan ang ikinamatay ng isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng umano’y tulak ng droga dahil sa hindi pagbayad ng shabu sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Hinoldap na, binaril pa

$
0
0
Habang isinasara ang pahinang ito, nasa kritikal na kondisyon ang isang swimming instructor nang barilin ng isa sa dalawang holdaper sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Magnitude 7.2 sa Sarangani, 4 sugatan

$
0
0
Taranta ngunit hindi tiyak ang patutunguhan, nagpulasan ng takbo sa lansangan ang mga residente sa katimugan ng Sarangani sa Davao Occidental, habang nagsiakyat naman sa kabundukan ang ilan sa matinding takot sa posibilidad ng tsunami kasunod ng magnitude 7.2 na yumanig sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

ENERHIYA, PANAHON, KASARIAN — MAGKAKAUGNAY?

$
0
0
KAPANALIG, ang paggamit ng enerhiya ang isa sa malalaking isyung labis na nakaaapekto sa lipunan. Sa lumalaking populasyon ng mundo at ang sabay-sabay nating paggamit ng enerhiya araw-araw ay may malaking epekto sa resources na kayang ialay ng ating nag-iisang mundo.

Trike driver na ‘tulak’, tiklo

$
0
0
Isang solterong tricycle driver na hinihinalang tulak ang nadakip makaraang makuhanan ng ilegal na droga makaraang magpatupad ng search warrant ang mga awtoridad laban sa kanya sa Obra Subdivision sa Barangay Poblasyon, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes.

Maguindanao councilor pinatay sa kasalan

$
0
0
Hindi pa tukoy ng pulisya ang responsable sa pagpatay sa isang konsehal sa Maguindanao na pinagbabaril sa isang kasalan sa Purok Salvacio, Barangay Calean sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.
Viewing all 21384 articles
Browse latest View live