Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all 21384 articles
Browse latest View live

Duterte: Ayoko na sa peace talks!

$
0
0
Inihayag kahapon ng Malacañang na mananatiling suspendido ang lahat ng negosasyon sa mga komunistang rebelde hanggang hindi nakatutupad ang mga ito sa mga kondisyon ng gobyerno.

Kadaugan Festival sa Mactan, itatampok ni Dante Mendoza

$
0
0
ISA uling magandang episode ang ginawa ng award-winning director na si Brillante Mendoza, na hindi lang magbabahagi ng naiibang love story kundi nagpapakita rin ng mga festival na ginagawa sa bawat bayang itinatampok niya.

Rerouting para iwas-traffic sa SONA

$
0
0
Pinaaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang mas matinding traffic malapit sa Batasan Complex sa Quezon City, bago at sa mismong araw ng State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 24.

Pista ni Sta. Maria Magdalena sa Pililla, Rizal

$
0
0
ANG silangang bahagi ng Rizal ay binubuo ng bayan ng Cardona, Morong, Baras, Pililla at Jalajala. Ang mga ito ay sakop ng ikalawang distrito na may kanya-kanyang kasaysayan ng pagkakatatag. Pawang nasa tabi ng Laguna de Bay at masisipag, magagalang at may loob sa Diyos ang mga mamamayan, at matibay ang pagpapahalaga sa mga namanang tradisyon na bahagi ng kultura.

Police colonel binoga ng tandem

$
0
0
Sugatan ang isang police colonel, na dating hepe ng Binangonan Municipal Police Station sa Rizal, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Baril ng sekyu pumutok, estudyante sugatan

$
0
0
Duguan ang isang estudyante makaraang tamaan ng ligaw na bala nang aksidenteng pumutok ang baril ng isang security guard sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inabangan, sinaksak ng kaaway

$
0
0
Isang saksak sa likod ang natamo ng isang binata sa umano’y kaaway nitong babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Karapatan at pribilehiyo

$
0
0
HANGGANG ngayon, nakakintal pa sa aking utak ang kahindik-hindik na kamatayan ng isang kamag-anak, 15-anyos na lumpo simula pagkabata; pausad-usad sa balkonahe at hindi kaginsa-ginsa ay hindi naman namalayang nahulog, nabagok sa mga batyang ng hagdan at tuluyang nawalan ng malay.

Digong sa pasaway sa gov’t: Manikluhod kayo

$
0
0
Nauubusan na ng pasensiya si Pangulong Duterte sa napakabagal na serbisyo ng mga tanggapan ng gobyerno sa kabila ng mga repormang ipinatupad niya kontra kurapsiyon.

Ipatutupad na ngayon sa buong bansa ang smoking ban

$
0
0
Isa ang Pilipinas sa 111 bansa sa mundo — mula sa Albania hanggang Zambia — kung saan isang pambansang polisiya ang pagbabawal sa paninigarilyo. Alinsunod sa EO 26, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar, sa loob man o labas ng isang istruktura, pag-aari man ng gobyerno o ng pribadong indibiduwal.

Duterte sa US Congress: Linisin n’yo muna teritoryo n’yo

$
0
0
Kinakailangan munang linisin ng United States House of Representatives ang kanilang bakuran bago tumingin sa bakuran ng ibang bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ex-UN ambassador binawalan kay De Lima

$
0
0
Tinuligsa kahapon ni dating United Nations Ambassador at Liberal International (LI) President Dr. Juli Minoves ang mga awtoridad sa bansa na nagbawal sa kanyang bisitahin si Senator Leila de Lima sa pagkakapiit sa Camp Crame sa Quezon City, sinabing ang Pilipinas ay mayroon na ngayong “arbitrary kind of regime” at lumalala ang demokrasya at pagpapairal ng batas sa bansa.

30 bagong species nadiskubre sa Verde Island Passage

$
0
0
Kababalik lang kamakailan ng isang grupo ng mga Filipino-American marine experts, na pinangunahan ng zoologist na si Dr. Terry Gosliner ng California Academy of Sciences (CAS), mula sa marine expedition sa Verde Island Passage, at kinumpirmang nakatuklas sila ng 30 nudibranch species, dalawang sea urchins, at ilang bagong species ng soft corals.

Pananaw ni Mabini sa Himagsikan

$
0
0
SA kalendaryo ng talambuhay ng ating mga dakilang bayani, ngayong ika-23 ng Hulyo ay paggunita at pagdiriwang ng kaarawan ni Apolinario Mabini—ang kinikilalang “Utak ng Himagsikan”. Tinawag si Mabini ng mga kapwa manunulat ng kasaysayan at ng talambuhay na “Sublime Paralytic” o Dakilang Lumpo sapagkat sa kabila ng kapansanan, patuloy niyang inabot ang kanyang mga pangarap. Hindi siya natakot alang-alang sa kabutihan at sa kalayaan ng Perlas ng Silangan.

Bagitong pulis arestado sa extortion

$
0
0
Inaresto ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang bagitong pulis na inaakusahan ng pangingikil sa mga kamag-anak ng drug suspect na kanilang inaresto sa Maynila.

Nanghalay, nambuntis ng 12-anyos kulong

$
0
0
Inaresto kahapon ng umaga ang isang 34-anyos na lalaki dahil sa umano’y panghahalay at pambubuntis sa 12-anyos niyang kapitbahay sa Quezon City.

Umihi sa hindi bahay tinarakan

$
0
0
Patuloy na inoobserbahan ang isang estudyante na sinaksak ng may-ari ng inihian niyang bahay sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Responsibilidad sa kalusugan

$
0
0
MGA kapanalig, ayon sa Department of Health (DoH), aabot sa 16 na milyong Pilipino ang naninigarilyo noong 2015, mas mababa ng dalawang milyon kumpara noong 2009. Nakatulong umano ang paglalagay ng mga larawan, na kinatatampukan ng iba’t ibang sakit na idinudulot ng paninigarilyo, sa bawat pakete ng sigarilyo. Ngayong ipatutupad na ang nationwide smoking ban, umaasa ang DoH na mas bababa pa ang bilang mga Pilipinong naninigarilyo.

Truck vs jeep, 7 sugatan

$
0
0
Nabahiran na naman ng sariwang dugo ang highway sa Barangay San Sebastian sa Tarlac City makaraang makabanggaan ng isang pampasaherong jeepney ang Metro Waste dump truck, na ikinasugat ng pitong katao, nitong Biyernes ng madaling araw.

113 sako ng bigas tinangay

$
0
0
Nasa 113 sako ng bigas ang natangay mula sa bodega nang looban ito ng mga hindi nakilalang kawatan sa Purok 6, Barangay Bacal I sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.
Viewing all 21384 articles
Browse latest View live