Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

MRT 3, nagkaaberya ng 3 beses

$
0
0

Nagngitngit sa galit ang libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa sunud-sunod na aberya sa operasyon nito kahapon.

Dakong 1:38 ng hapon nang biglang tumirik ang isang tren ng MRT sa bahagi ng northbound lane ng Santolan Station sa Quezon City sa hindi pa mabatid na dahilan.

Hindi nakarating ang mga pasahero sa kanilang destinasyon nang sapilitan silang pababain sa tren na biglang tumirik.

Dahil sa aberya, pinasakay ang mga apektadong pasahero sa kasunod na tren habang ang ilan ay nagpasyang makipagsiksikan sa bus sa EDSA at nagtiis na lang sa matinding traffic.

Bandang 8:00 ng umaga nang unang magkaaberya ang biyahe ng isang tren subalit makalipas ang limang minuto ay balik-operasyon na ito.

Sinundan ito ng pagtirik ng isa pang tren galing Kamuning Station patungong Cubao kung saan natigil ang operasyon ng MRT 3 sa magkabilang linya na umabot halos ng 27 minuto bago naibalik sa normal ang operasyon nito.

Hindi naman naglabas ng pahayag ang pamunuan ng MRT hinggil sa mga nangyaring aberya.

Malimit na idinahilan ng pangasiwaan ng MRT ang sira o bitak sa lumang riles. (Bella Gamotea)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


EASY COME, EASY GO


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes