Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

LTO license plates, ‘di mailabas sa Manila port

$
0
0

Dumating na ang mga bagong license plates; ngunit may problema: kailangang magbayad ng importer para sa mga obligasyon at buwis.

Inihayag ni Customs Commissioner Alberto Lina nitong Pebrero 29 na 11 container na naglalaman ng 600,000 license plates ang naghihintay na mailabas sa Manila port. “We have seen the plates. These are in 11 containers. The duties and taxes just have to be paid.”

Ipinaliwanag ng Bureau of Customs (BoC) chief na ang importer ng mga plaka ay hindi ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) o ang Land Transportation Office (LTO), kundi isang pribadong kumpanya.

Ayon kay Lina, ang importing firm, na tinukoy lamang niya na joint venture, ay may utang sa BoC na halos P40 million sa obligasyon at buwis para sa mga bagong license plates na magkahiwalay na dumating sa Maynila kamakailan.

“The shipments were abandoned so we took over,” sinabi ng commissioner.

Sinabi ni Lina na inaasahan nilang babayaran ng importer ang duties and taxes sa loob ng isang linggo para mailabas na ang mga bagong license plates mula sa Customs.

Sinasabing ang Power Plates Development Concepts Inc. at J. Knieriem BV-Goes (JKG) joint venture ang supplier ng license plates. (Raymund F. Antonio)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384