Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Batang Minda, sa Jr. NBA/WNBA Camp

$
0
0

Mula sa 543 kalahok, nangibabaw ang husay ng 11 batang cager sa Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines Regional Selection Camp kamakailan, sa Ateneo de Davao University, Matina campus.

Pitong lalaki at apat na babae ang nagpamalas ng angking husay at determinasyon at napili para katawanin ang Mindanao sa gagawing National Camp sa Manila.

Kabilang sa nabigyan ng pagkakataon na makaangat pa sa programa sina Alfonso Luis Candari, 13, ng Ateneo de Davao; Lance Centeno, 13, ng Ateneo de Davao; Joven Neil Deligero, 13, ng Daniel R. Aguinaldo National Highschool; Louis Andre Joring, 13, ng St. Mary’s School; Tryon Limar Langala, 14, ng St. Mary’s School;

Anscar Mamac, 14, ng Holy Child College of Davao; at Rysan Villasenta, 13, ng Holy Child College of Davao sa boys division, habang nangibabaw sa girls class sina Rozie Amatong, 11, ng Modern International Learning Center; Aloha Marie Betanio, 12, ng Malaybalay City Central School; Kate Buenaventura, 13, ng Ateneo de Davao; at Marcila Grace Dellosa, 14, ng F. Bangoy National Highschool.

Hindi lamang kahusayan ang ipinamalas ng 11 player bagkus ang katauhan na akma sa Jr. NBA/Jr. WNBA core S.T.A.R. value na Sportsmanship, Teamwork, na positive Attitude at Respect sa kabuuan ng isinagawang sports camp.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384