Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

1 sa 3 magnanakaw, patay sa Bulacan encounter

$
0
0

Patay ang isang hindi nakilalang miyembro ng robbery group na kumikilos sa Bulacan nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Barangay Muzon, City of San Jose Del Monte, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na isinumite kay Police Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., sinabi ni Bulacan Police Provincial Office (BPPO) acting provincial director Supt. Raniel Valones, Officer–in-Charge (OIC) ng San Jose del Monte (CSJDM) Police Station, na ang insidente ng pagnanakaw ay iniulat noong Mayo 25, 2016, dakong 11:45 ng gabi, ng biktimang si Clarra Nadia Tamayaw, 32, may-asawa, residente ng Block 23, Lot 2, Section 15, Phase 2, Pabahay 2000, Bgy. Muzon, CSJDM, Bulacan.

Ayon sa sumbong ni Tamayaw kay Valones, tatlong suspek ang puwersahang pumasok sa kanilang bahay at tinangay ang mahahalagang gamit, kabilang ang isang Sony PSP player (nagkakahalaga ng P15,000), Samsung cellphone (P8,000), at silver bracelet (P1,800).

Sinabi ni Valones nangyari ang engkuwentro dakong 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes sa follow-up operation ng tracker team ng CSJDM-City Mobile Patrol Unit 103. Habang papalapit ang mga pulis sa tatlong lalaking suspek, kaagad silang pinaputukan ng mga ito gamit ang sumpak at tinamaan ang kanang pintuan sa harap ng mobile patrol.

Nagkahabulan at gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng isang suspek. Nakatakas ang dalawa pa.

Walang nasaktan sa panig ng pulisya.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng engkuwentro ang isang sumpak, basyo ng bala ng caliber .38, hand grenade, plastic sachet ng hinihinalang shabu, black bonnet, at multicolor pouch. (FRANCO G. REGALA)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Uri ng Pambobola


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.