Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Mariel, sinundan si Robin sa Amsterdam

$
0
0

Ni REGGEE BONOAN

Mariel Rodriguez

Mariel Rodriguez

KAHIT alam ni Mariel Rodriguez-Padilla na makakasama sa kanya ang mahabaang biyahe ay ginawa pa rin niya para makasama ang love of her life na si Robin Padilla sa Amsterdam, Netherlands.

Umalis ng Pilipinas ang isa sa It’s Showtime host noong Hunyo 1 at Hunyo 3 na nakarating ng Amsterdam. Sinalubong siya roon ni Robin na may bitbit na tulips.

Nagbilin ang OB-Gyne ni Mariel na i-update ito parati habang nasa ibang bansa siya kaya naman sa bawat kibot ng wifey ni Binoe ay kinukuhanan ng picture ang sarili base na rin sa post niya na nakaupo sa bench at may caption na, “This photo is for you, Dra. Eileen M. Manalo he-he, I told Robin Padilla take my picture so Doctora will see that I am just sitting down. Ha-ha, no walking, cabs and trams only.  Tram is in front of our hotel, so zero walk!

“Wish we had parks like this one where the preggy wife can just sit and enjoy the beautiful weather while understanding hubby watches strangers play CHESS not chess but CHESS!”

Nag-i-enjoy si Mariel sa magandang klima, magagandang tanawin at masasarap na pagkain sa Amsterdam kaya hindi malabong isa sa mga ito ang mapaglilihian niya dahil sabi nga niya sa caption ng litratong habang hawak-hawak ang tummy niya, “Hi Baby! We are going on a trip! Dad is going to bring you to Mommy’s favorite city. You sit tight okay? You just relax and enjoy all the food mom will give you.  We love you very much.”

Sa unang gabi ni Mariel ay nag-crave kaagad siya ng peaches kaya pinabili niya si Robin na pagbalik ay iba’t ibang klase ng prutas ang iniuwi tulad ng strawberry, mansanas, saging, grapes, honey dew at iba pa.

Mahilig kumain sina Robin at Mariel, kaya kinabukasan ay maaga silang gumising at nagpunta ng Harlem Market. “Excited, that is all I’m doing, eating, he-he-he. I always research where to eat because I take eating seriously. You know it really helps. I get to eat quality food I mean hey I’m only here once might as well enjoy it. Grateful that there are so many blog sites that really help me decide which restaurants are best to try. So today at Harlem, I tried Ratatouille and it did not disappoint. Eat. Pray. Love will always be my travel mantra.”

Pagkatapos kumain ng mag-asawa ay nag-people watch sila sa isang park. “We sat by the canal, people watching, enjoying the fresh air and simply relaxing. We took turns sleeping on each other’s laps. My favorite travel buddy will always be you @robinhoodpadilla @therobinhoodpadillachannel.”

Samantala, pinadalhan namin ng mensahe su Mariel at tinanong kung ano ang purpose ng pagpunta ni Robin sa Amsterdam pero hindi kami sinagot, pero ang sitsit sa amin ng taong malapit sa aktor ay gusto lang nitong magpahinga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384