Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Kagawad na ina ni ‘Pastillas Girl’, pinatay

$
0
0

Binaril at napatay ang ina ng online sensation na si “Pastillas Girl” matapos siyang magsimba kasama ang isa pang anak na babae sa Caloocan City nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, malapitang binaril sa likod ng ulo si Teresa “Teteng” Yap, 43, ina ni Angelica Yap, na sumikat bilang “Pastillas Girl” sa isang segment ng noontime show na “It’s Showtime”, ng isang hindi nakilalang lalaki.

Batay sa mga ulat, ang biktima ay kagawad sa Barangay 127.

Ayon kay Camille Jeanne Yap, nakababatang kapatid ni “Pastillas Girl”, katatapos lang nilang magsimba ng ina sa San Jose Parish Church at bumibili sila ng barbecue sa isang kainan sa Bgy. 131, dakong 9:20 ng gabi, nang lapitan ng suspek ang kagawad at barilin sa likod ng ulo.

Agad na tumakas ang suspek patungong Bonifacio Street sakay sa isang motorsiklo.

Nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) ang insidente, at gagamitin ito sa imbestigasyon.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, marami nang natatanggap na death threat ang huli ngunit binabalewala lamang nito.

Sinabi ng isang opisyal ng barangay sa lugar na may problema ang kagawad sa mga dati nitong nobyo, samantala naniniwala rin ang ina ng biktima na may kinalaman sa mga nakarelasyon ang pagpatay sa kagawad, dahil marami umanong manliligaw ang kanyang anak.

Hiningi na ng pamilya Yap ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para matutukan ang kaso. (JEL SANTOS)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tropa Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear