Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Nagtalo sa parking: 3 patay, 1 kritikal

$
0
0

Patay ang tatlong lalaki habang kritikal ang isa pa makaraan silang pagbabarilin ng kapitbahay dahil lang sa parking space sa loob ng kanilang subdibisyon sa Barangay San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina Zenaida Pascua; Enrico Pascua, magkaanak; at Felix Tongco, pawang residente ng Ecotrend Subdivision sa nasabing lugar.

Kritikal sa pagamutan si Teresita Bolves, ng nabanggit ding lugar.

Tumakas naman ang suspek na si Hansel Gallo, nasa hustong gulang, kapitbahay ng mga biktima.

Dakong 2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng subdibisyon.

Napag-alaman na lagi umanong pinagtatalunan ng mga sangkot ang parking space sa kanilang lugar, at naulit ang pagtatalo nitong Sabado, na naburyong na ang suspek at pinagbabaril ang kanyang mga kapitbahay gamit ang kanyang .45 caliber pistol.

Duguang bumulagta ang mga biktima habang agad namang tumakas ang suspek.

Sinimulan na kahapon ang pagtugis kay Gallo. (Beth Camia)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


INUMAN QUOTES


kasama kang tumanda


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tropa Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.