Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Magkapatid, ginutom, binugbog ng ama

$
0
0

TARLAC CITY – Na-trauma sa matinding takot ang magkapatid na paslit matapos silang maghapong hindi pakainin at bugbugin pa ng kanilang ama sa Sitio Mangga 1, Barangay Matatalaib sa Tarlac City.

Sumaklolo sa kalunus-lunos na sinapit ng magkapatid, na edad apat at anim, ang 22-anyos nilang tiyahin, na naabutan umano silang gumagapang sa lupa matapos saktan ng ama.

Ayon sa report, lasing na umuwi si Danny Francisco, 28, na agad na sinalubong ng dalawa niyang anak na kapwa nanghihina dahil maghapong hindi kumain.

Binigyan ng suspek ng kapirasong tinapay ang magkapatid at nang hindi ito kinain ng mga biktima ay nagalit si Francisco at walang awang pinagsisipa sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang mga bata.

Naaresto ang malupit na ama na nahaharap ngayon sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law). (Leandro Alborote)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


Smile Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE