Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Babae, natagpuang patay sa hotel

$
0
0

BAGUIO CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pagpatay sa isang babaeng single parent na natagpuang wala nang buhay sa loob ng silid sa isang hotel sa Marcos Highway sa siyudad na ito.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Mercy Dagyen Mapili, 25, ng Itogon, Benguet, at nakabalot ng kumot nang matagpuan ng mga nagrespondeng pulis at mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO), dakong 3:55 ng hapon nitong Huwebes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi nakilala ang lalaking kasama ng biktima nang pumasok ito sa hotel dakong 4:22 ng umaga nitong Huwebes. Hindi na umano namalayan ng mga hotel worker ang paglabas ng lalaking kasama ng biktima.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ni Danilo Doque, security guard ng hotel, matapos puntahan ng isang kawani ang silid nito para linisin. (Rizaldy Comanda)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tagalog Quotes about Love


INUMAN QUOTES


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


EASY COME, EASY GO


5 Tagalog Relationship Rules


5 Uri ng Pambobola


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear