Quantcast
Channel: Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Mariah Carey at James Packer, mangungupahan sa isang mansiyon

$
0
0

Mariah at James copy

MAGSASAMA si Mariah Carey at ang kanyang bilyonaryong businessman fiancé na si James Packer, 48, sa isang inuupahang mansiyon na tinatawag na The Oaks sa Calabasas, California, balitang kinumpirma ng ET. Si Emil Hartoonian ng The Agency – isang luxury real estate brokerage and lifestyle company – ang namagitan sa deal na $250,000 ang babayaran ng couple kada buwan (o $3 million kada taon) bilang renta sa mansiyon.

“The deal was done in just a few days,” sabi ng source sa ET. “The couple was not looking at homes for a long time.

This is just the perfect place for Mariah and her family – it’s safe, it’s secure, it’s home.”

Ang 18,000-square-foot estate ay may nakamamanghang mga tanawin. Ang mansiyon ay mayroong sinehan, sauna at gym, at ang lahat ng mga batong nakapaligid sa bahay ay imported mula sa Italy, ayon sa source. May option din sina Carey at Packer kung bibilhin nila ang mansiyon.

Perfect ang family-friendly estate sa magkasintahan dahil ang 45 taong singer ay may dalawang anak, sina Monroe at Moroccan—mula sa kasa nila ni Nick Cannon. Si Packer naman ay may tatlong anak sa dating asawang singer at modelo na si Erica Baxter — sina Indigo, Jackson, at Emmanuelle.

Siyempre pa, may mga sikat na kapitbahay sa Calabasas ang magkasintahan. Ang ilan sa mga kanila ay ang pamilya Kardashian, Drake, Will Smith, at Britney Spears.

Malinaw na hindi problema ang pera sa mayamang magkasintahan. Inalok ni Packer si Carey na magpakasal noong Huwebes sa pamamagitan ng 35-carat diamond and platinum engagement ring, na gawa ng New York-based jewelry designer na si Wilfredo Rosado. (ET Online)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 21384

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Boy Banat Patama Tagalog Love Quotes for you


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


INUMAN QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Gwapo Quotes : Babaero Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Tropa Quotes


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.